Solenn kay Obama: Feeling ko pag nag-bike kami, may mangyayari!

SOLENN HEUSSAFF

SOLENN HEUSSAFF

NATANONG si Solenn Heussaff kung sino ang gusto niyang makasama sa biking other than her boyfriend/future husband, Nico Bolzicco. “Si (Barack) Obama,” na sagot ni Solenn, referring to US President.

“I’m just a fan for the longest time pero recently ko lang nakita ‘yung mga…nag-research ako sa internet. Nakakatawa talaga siya. He’s so funny, he’s so witty. Feeling ko kapag nagba-bike kami ay may mangyayari,” nakakalokang chika ni Solenn.

Nakaka-relate rin daw ang actress-TV host-model sa role niya sa movie bilang si Lianne, “Like my character kasi, I am always questioning my path. Plus Lianne is mahilig sa boys. Ako rin. Ha-hahaha!”

“I love him so much,” dagdag pa ni Solenn.

“Tatay ko po ang iaangkas ko sa bike. I-introduce ko siya sa mga trail kasi never pa siyang nakapasok sa mga trail, eh. May edad na rin po siya,” say naman ni Dennis Trillo.

When asked kung bakit biking ang napili niyang sports, Dennis said, “Maganda kasi po siya sa katawan.

Maganda ‘yung na nae-exercise mo ‘yung legs dahil ‘yun po ang nagke-carry ng bigat ng katawan natin.

Mas maganda na habang tumatanda ay mas matibay ang legs natin para maganda pa rin ang tindig mo kahit na tumatanda ka na.”

Biking plays a vital part in Dennis and Solenn’s latest movie, “Lakbay2Love”, dahil tungkol ito sa pamimisikleta and how it made two people fall in love. This is produced and directed by Ellen Ongkiko-Marfil under Erasto Films.

Read more...