KC pinaplano na raw ang pagsabak sa politika

KC CONCEPCION

KC CONCEPCION

MARIING pinabulaanan ni KC Concepcion na pinaplano na ang pagsabak niya sa politika. Noon pa raw takot sa politics ang TV host-actress.

Isa raw kasi sa sign na nakikita ng kanyang mga tagasuporta na malapit na siyang pumasok sa public service ay ang kanyang mga charity works, kabilang na riyan ang pagiging active sa United Nations bilang ambassador sa World Food Programme.

“There’s no other goal than kung ano ‘yung ginagawa ng organization. To begin with, UN is neutral. Ibig sabihin hindi siya political. We work with governments, local and national. It’s an organization that works outside (politics). It’s a humanitarian organization,” sey ni KC sa panayam ng Tonight With Boy Abunda.

“Ang focus namin is disaster control. Nakita nila na number two ang Philippines sa most disaster-prone countries in the world. Knowing that, we are obviously centered on food, keeping people healthy sa mga times na nadi-displace sila or nare-relocate sila. It’s really focusing on the people na tinatamaan ng mga kalamidad,” aniya pa.

Read more...