2 lindol sa Davao Occidental

davao occidental Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.2 ang Davao Occidental kahapon ng hapon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-3:48 ng hapon. Ang sentro nito ay natunton 23 kilometro sa kanluran ng Sarangani at may lalim itong 173 kilometro. Nagdulot ito paggalaw na may lakas na Intensity II sa General Santos City. Alas-5:08 ng umaga ay lumindol din sa Davao Occidental. May lakas itong magnitude 4.2. Ang sentro ng lindol ay 295 kilometro sa silangan ng Sarangani. May lalim itong 36 kilometro. Ang dalawang lindol ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.

Read more...