Napoles, Reyes hearing gagawin ng 2 beses kada linggo

janet napoles
Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan Third Division ang hiling nina Janet Lim Napoles at Atty. Gigi Reyes na gawin na lamang isang beses kada linggo ang pagdinig ng kanilang kinakaharap na plunder case.
Pero sa halip na tatlong araw gaya ng desisyon ng korte noong Disyembre, gagawing dalawang beses kada linggo ang pagdinig.
Isasagawa ang pagdinig tuwing Miyerkules at Huwebes simula sa Enero 20 at hanggang Hulyo 6. Gaganapin ito tuwing 8:30 ng umaga.
Hiniling ni Reyes, dating chief of staff ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, na hindi kakayanin ng kanyang mga abugado ang marathon hearing.
Bago din umano ang kanyang mga abugado na kailangan pang pag-aralan muli ang kaso.
“In order, therefore, that the undersigned counsel may fulfill its professional responsibilities to its other client and to the herein accused as well, who all need timely, diligent and conscientious services, the undersigned counsel is constrained to implore that the trial of this case be set only once a week,” saad ng mosyon ni Reyes.

Read more...