Bistek ipinagtanggol si Kris: Wala siyang kasalanan!

herbert bautista

Nilinaw ni Mayor Herbert Bautista na hindi siya tinanggal sa MMFF movie ni Kris Aquino na “All You Neeed Is Pag-Ibig”. At wala raw kasalanan ang kanyang ex-dyowa sa isyu.

“Ako rin mismo ang sumulat sa Star Cinema na ‘wag na nila akong isama. I gave it (letter) to Ma’m Malou Santos kasi hindi ko alam kung ano ang tatakbuhin ko that time kung senator or mayor.

Para makapag-shooting na sila, ‘wag n’yo na akong i-consider sa movie,” chika ni Mayor Herbert sa birthday treat niya sa members of movie press na may birthday ng January, February and March.

“I also felt bad na hindi ako nakasama pero at the same time ay initiative ko rin naman na hindi masama because hindi namin alam kung ano ang magiging effect. Baka hindi sila makapag-start kapag tumakbo akong senador.

“At that time kasi ay wala pa akong desisyon kung ano ang tatakbuhin ko. Officially, formally I declined,” dagdag pa ng actor na kasama sa cast ng “Lumayo Ka Nga Sa Akin” ng Viva Films na isang trilogy.

Makakasama niya sa isang episode si Maricel Soriano.

Read more...