Michael sa pagpanaw ni Kuya Germs: Napakasakit talaga!!!

michael pangilinan

IT’S been four years since Michael Pangilinan started in the music industry. From that lanky baby boy to a full-grown young man, marami ring pinagdaanang challenges si Michael sa kaniyang singing career.

He had a few rejections in the past pero lahat ito’y nagsilbing malalaking hamon sa kaniya to make better as a singer/performer. And look where he is now – modesty aside, he is the hottest young male singer this country has ever produced.

Multi-talented and crowd-drawer – that make Michael different from many of them. Good looks, excellent voice, fresh style and he exudes with so much appeal to thousands of roaring fans.

“Naalala ko pa noon, pilit mo lang akong isinisingit sa mga shows ng friends mo para magka-break, for exposure lang kumbaga and every three months ay ipinagpu-produce mo ako ng maliliit na concerts for visibility.

Then, you produced my self-titled album and had it released through Star Records, Star Music na ngayon. “Nag-X-Factor ako and landed sa Top 20. Hindi nga ako umabot sa Top 10 pero kinuha pa rin ako ni Tatay Germs (German Moreno) sa Walang Tulugan nang marinig niya akong kumanta sa program mo sa DZMM.

Kumbaga, when nobody believed in my talent, isa si Tatay Germs sa nagtiwala sa akin kaya sobrang affected ako sa pagpanaw niya. Ang sakit! Pero ganoon talaga ang buhay, hindi natin hawak ang kapalaran natin.

“Anyway, nagtuloy-tuloy lang naman ako sa music industry dahil ito talaga ang gusto kong gawin – ang kumanta, ang mag-perform. I got a few down times din naman. Hindi naman lahat bed of roses.

Napapagalitan mo ako madalas tuwing sa tingin mo ay mali ako. But of course, alam ko namang para sa akin din iyon kaya mo ako palaging pinaaalalahanan. “After X-Factor came my biggest break na nga – yung Himig Handog P-Pop Love Songs Songwriters Competition 2014 kung saan I was assigned to interpret Tito Joven Tan’s song – Pare, Mahal Mo Raw Ako.

Tapos ngayon movie na siya, kasama ko pa sina Edgar Allan Guzman, Nikko Seagal Natividad, Joross Gamboa, Matt Evans, Hopia and my other mother, Ms. Nora Aunor, directed by Tito Joven Tan din.

“Balak nga nating ipalabas ito sa Valentine’s season – a treat for the LGBT community kumbaga. Masasabi kong iyon talaga ang nagbukas ng pinto ko sa limelight. Nakilala ang song – sobra ang naging following noon. Sa YouTube, more than 7 million views iyon.

“I am so thankful too sa Star Music, MOR 101.9 and ABS-CBN dahil pinagkatiwalaan nila ako to sing some theme songs ng ilang teleserye nila. And now, I am working on my second album to be released very soon. Nakapag-pictorial na kami for the album cover.

“Two songs to go tapos na ang album. Siyempre, lalong tumingkad ang singing career ko nu’ng masali ako sa Your Face Sounds Familiar Season 2. Grabe ang saya noong season na iyon – nakabuo kami ng magandang friendship ng mga nakasama ko sa Your Face.

“Thanks guys for voting for me – hindi ako makapaniwalang magsi-second place ako. Kaya maraming salamat talaga sa inyong lahat na nagtiwala sa akin. Grabe iyon.“I feel so blessed dahil marami akong work ngayon.

Naka-focus ako sa singing career ko. Di ako puwedeng magloko! Yes, I am thankful kay Lord dahil unti-unti ko nang natutupad ang pangarap ko – ang makilala nang konti at mabili ang mga gusto kong bilhin. Nakabili na ako ng tatlong kotse at isusunod ko next year bahay naman.

“I have a few shows na excited na talaga ako. I am guesting sa “#alwaysEA” concert ng kaibigan kong si Edgar Allan Guzman sa Music Museum this coming Saturday, Jan. 16. I will be in Tondo, Manila earlier that day para sa piyesta nila with Kuya Duncan Ramos and other artists.

“The next day naman ay nasa Pandacan, Manila ako for their fiesta with Kuya Aljur Abrenica, KZ Tandingan, Mama Boobsie Wonderland and Andrew E. This Valentine season, magkakaroon ako ng special shows sa CSI La Union on February 13 and Pavillion Mall sa Binan, Laguna on February 14.

I am also touring the 9 Xentro malls this month till end of February. “Ang pinaka-excited ako ay ang major concert ko on my 21st birthday sa Nov. 26 this year. Ito na ang katuparan ng pangarap kong makapag-perform sa malaking venue.

Abangan niyo iyan. Marami akong gagawin diyan. Name it and I’ll do it. Ha-hahaha!  “Paghahandaan ko iyan, kailangang super-ganda na ng katawan ko. Akong bahala diyan,” ang mahabang lahad ni Michael sa akin.

Kung makapagkuwento itong si Michael, para lang akong kapitbahay niyang hindi alam ang mga activities niya.  No, he is just reminiscing sa ilang bahagi ng kaniyang kuwento pero ang ibang laman ng kuwento niya ay kagagawan ko rin dahil manager niya ako, ‘no! Ha-hahaha! I got him all these jobs para wala siyang time magloka-lokahan nga. Ako pa!

Wala raw muna siyang lovelife now. Pa-date-date lang ang drama niya ngayon. Ayaw na raw niyang mapaso ulit. Ha-hahaha! Echoserang frog, di ba?  Tingnan nga natin kung hanggang kailan niya matatagalang walang lovelife. Hmp!

Read more...