Atom Araullo nakikipag-flirt kay Pia: Di naman ako seloso!

atom araullo

When Atom Araullo said, “Pia understanding naman ako sa schedule. Di naman ako seloso,” as a response to Pia Wurtzbach’s explanation na kaya siguro wala siyang boyfriend ay dahil sa kanyang busy schedule ay nabuhay ang bagong love team sa showbiz – ang PiAtom.

Ang daming kinilig sa kanilang banter na ‘yon sa Umagang Kay Ganda kaya naman nagkaroon na ng official Twitter and Facebook account ang PiAtom. Maraming netizens ang nagkagusto sa tila papausbong na love team ng dalawa.

Pareho naman silang single so walang magiging problema kung magkatuluyan man sila. Matagal nang crush ng bayan itong si Atom na tila evasive kapag ang kanyang love life ang nagiging paksa ng usapan.

Si Pia naman ay nag-bloom talaga ang beauty mula nang manalo ito bilang Miss Uinverse. So, saan patungo ang namumuong love team nina Pia at Atom? Let’s wait kung papatulan nga ni Pia ang pakikipag-flirt ni Atom.

 

Read more...