PBA player na na-link kay Vice Ganda pinagtitripan ng mga bakla

vice terrenc

SA magkasunod na pagkakataon naming nabisita uli ang PBA na on-going ang semifinals series among teams: Global Port versus Alaska at San Miguel versus Rain or Shine, namangha kami kapatid na Ervin sa mala-showbiz na crowd.

Paano ba naman, bukod sa marami na talagang players ng parehong koponan ang may involvement sa ilang showbiz personalities, aba’y nakakaengganyo ring panoorin ang mga guwapo at hunk players na kilala na ring ramp at commercial models.

Sa Global Port ay sikat na sikat si Terence Romeo na sinadya pa namin sa dugout (salamat kina head coach Pido Jarencio at sa assistant niyang si Johnedel Cardel sa assistance) para makachika.

Maliit lang si Terence, pero matapang ito sa court at mapusong maglaro kaya naman kung laging double digit ang iskor nito sa bawat laro nila ay hindi na nakapagtataka. Animal nga ito kung tawagin kaya’t tawa kami ng tawa sa emote ng mga bading nitong supporters na “sanay na sanay” na raw kasi ito sa mga hayop lalo na yung mahilig manipa. Ha-hahahaha!

Teammate niya si Doug Kramer na kami ang nabibigatan kapag nakikita naming tumatakbo at nakikipag-agawan ng bola sa court. Star na star sa mga bagets si Doug gawa nga ng mga anak niya at asawang si Cheska na all-out support sa bawat game niya.

Hay naku, next issue may mga nakalap kaming tsismis na isi-share namin sa inyo regarding some of these players. Basta kung ano man ang kahihinatnan ng best of seven match ng apat na koponan bago ang finals eh aabangan namin dahil sa courtside ay marami ring naglilipanang showbiz stories. Ha-hahahaha!

Yun ang hindi masyadong naibibigay sa atin TV5 coverage na siyempre pa ay sa game nakatutok na equally exciting din naman lalo pa’t may mga duruan at hamunan moments kamakailan sa mga players kabilang na si Pareng Dondon Hontiveros.

 

Read more...