NGAYONG year of the fire monkey, uso ang panloloko, lalong-lalo na sa politika.
Kaya pinag-iingat ng Feng Shui expert na si Master Hanz Cua ang mga lalahok sa 2016 elections. “Be wary of deceptions, in business as well as in politics, since the ruthless spirit of the Fire Monkey also intensifies double-dealing and dishonesty,” ani Cua.
“The trusting nature of the Sheep is replaced by the self-centeredness of the Monkey and misunderstandings and breakups are a possibility. For singles, however, it will be a good year to find new romance,” dagdag niya.
Sinabi ni Cua mas mapararangalan ang mga individual effort kaysa sa buong grupo.
“In the political arena individual efforts will be rewarded more than group efforts. Collective movement tends to be in disarray because it will be every man (or woman) for himself. The outcome of the national elections should yield some surprises,” saad pa ng eksperto.
Kung ang year of the Sheep ay magiliw, ang year of the Monkey ay “aggressive, witty, unconventional, self-serving and likes to dominate avenues of communication.”
Malakas din umano ang elemento ng pagsusugal o pagtaya ngayong taon kaya maganda kung paplanuhin ang mga gagawin. Sa pagsusugal maaaring manalo ng malaki o matalo ng malaki.
“There will be auspicious growth for industries like manufacturing, real estate, banking and finance, construction, social services and research technology. But because Fire element destroys Wood, industries like education, farming and electronics will face difficulties,” ani Cua.
Mag-ingat din umano sa delubyong dala ng kalikasan at bigyan ng prayoridad ang pagiingat sa kalikasan.