Paolo pakakasalan na ang dyowang negosyante; pero may huling misyon

paolo bedioness

Kitang-kita ang excitement sa mukha ng TV host na si Paolo Bediones noong makita ang mga showbiz writers na members ng Philippine Movie Press Club sa kanyang bagong pinagkakaabalahan na bar and restaurant business sa Pasig City.

After masangkot ni Paolo sa isang video scandal ay nanahimik ang kanyang career especially as news anchor sa isang TV network. Siyempre, umaatikabong kumustahan muna ang naganap sa una naming pagkikita ni Paolo sa kanyang Punta bar.

“I’m good…I’m good,” ngiti niya. “Malaking blessing itong bar sa akin. Ah, after what happened talagang ito ’yung naging therapy ko at that time and with the support of family, friends, loved ones, and kayong lahat, but before anything I wasn’t able to address lahat ng mga kaibigan ko sa PMPC ‘yung taos-puso kong pasasalamat from the bottom of my heart, because when this scandal happened hindi ninyo ako hinusgahan, hindi ninyo ako binaboy and I really appreciate that,” bungad niya.

Dagdag pa niya, “Yun ‘yung isa sa mga nakapag-lift ng aking spirits kasi alam naman natin ang showbiz minsan masalimuot talaga. But I guess ‘yung pinagsamahan natin was more than enough para imbes na pangungutya or panghuhusga, ang ibinalik ninyo sa akin ay pang-unawa at saka pag-intindi at pagmamalasakit.”

Sa true lang, marami na talagang artista ngayon ang tumanggap ng sobra-sobrang pangungutya sa social media. Ilang celebrities na ba ang dinurog ng social media, ‘di ba? Anyway, ayon pa kay Paolo, last year daw ay talagang nakapag-isip siya ng matindi kung ano ang gusto niyang gawin pa sa buhay niya.

“And I realized that I love where I am. I took sort of a break na mga one year. Nawala ako as an anchor. I took a leave of absence from being a news anchor and walang sama ng loob sa network.

“Naintindihan ko ‘yun kasi meydo mahirap nga naman na ‘yung isang anchor mo ay na-involve sa isang ganu’ng klaseng controversy. So, walang hard feelings. But ‘yun, like what I said, itong nakarang taon na-realize ko what I missed doing,” lahad pa ni Paolo.

Na-miss daw niya doing pageants, reality shows, conceptualizing documentaries, “I missed coming up with programs na positive and all throughout my career, with Extra Challenge, Survivor and all other shows I did, ‘yung Digital LG Quiz, all of these, e, talagang was meant to inspire, educate people and nakaka-miss talaga.

“And as an anchor na-realize ko rin na hindi ko nagagawa ‘yung gusto ko. I am not closing my doors from being an actor but kung meron pang gustong kumuha sa akin na network as an anchor why not?”
But honestly, natuklasan daw ni Paolo na ang puso niya ay wala sa pagiging news anchor.

Natapos naman ang kontrata niya sa dating network na pinagtatrabahuan niya as an anchor last December, 2015. Bukod sa resto bar niya, kinumpirma ni Paolo na may isa pa siyang baby.

Going strong daw sila ng current girlfriend niya na nakilala niya 15 years ago pa. Naging sila din noon pero nag-break and now back with each other’s arm ulit sila. Businesswo-man daw ‘yung girl.

Pag nauwi raw niya ang kanyang nanay from the States, mag-iisip na raw siya na  magpakasal. Ten years na raw sa US ang mother niya kasama ang husband nito.  Happy naman daw sila doon pero gusto ni Paolo na dito sa Pilipinas ang kanyang ina kasama niya.

“Kasi ‘yun na lang ang huling piyesa sa pangarap ko sa family ko. Once maiuwi ko na siya rito at mag-retire dito, wala na akong ibang iisipin pa,” say pa ni Paolo.

Just in case hindi alam ng iba, ang ina ni Paolo ay si Maria Teresa Barba na anak ni Fortuna Marcos-Barba na sister of the late President Ferdinand Marcos.

Read more...