Ate Guy saludo sa galing ni Kris Bernal sa Little Nanay

kristal bernal

BILIB na bilib si Superstar Nora Aunor sa galing at propesyonalismo ni Kris Bernal sa serye nilang Little Nanay na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Ayon kay ate Guy, bukod sa masunurin sa direktor ang Kapuso actress, napakabait at sobrang humble rin daw ng dalaga. Hindi rin daw mareklamo si Kris kahit hirap na hirap na ito sa pagganap bilang isang mentally-challenged na mommy.

In fairness, puro papuri nga ang natatanggap ni Kris mula sa mga netizen dahil sa superb performance niya sa Little Nanay. Ayon nga sa isang follower ni Kris sa Twitter, malakas ang laban ni Kris sa pagka-best actress sa susunod na awards season sa TV.

Inamin naman ni Kris na hanggang ngayon ay starstruck pa rin siya kina ate Guy at Manoy Eddie lalo na kapag nakakausap niya ang mga ito off cam. Napakarami rin niyang natututunan sa dalawang veteran stars in terms of acting.

Samantala, narito ang kailangan n’yong abangan tonight sa pagpapatuloy ng Little Nanay sa GMA: Nagpaalam at nagpasalamat si Don Miguel (Eddie Garcia) sa mga Batongbuhay para sa New Year celebration kasama nila.

Namiss naman ng mga San Pedro si Chiechie (Chlaui Malayao) at nagpasiya silang kausapin si Berto (Bembol Roco) para payagan silang makita muli si Chiechie.

Napapayag nina Tinay (Kris) at Chiechie si Annie (Nora) na samahan siyang magdala ng pagkain sa barberya. Dinatnan nina Annie, Tinay, Chiechie sina Edgar (Keempee de Leon), Vi (Gladys Reyes), Archie (Hiro Peralta) na kausap si Berto sa barberya.

Pinaiwan ni Annie sina Tinay at Chiechie sa loob ng barberya para makapag-usap silang matatanda sa labas. Samantala, dumating na sina Helga (Sunshine Dizon), Stanley (Paolo Contis), Sophia sa bahay ni Don Miguel mula sa kanilang bakasyon at nalaman nilang sa mga Batongbuhay ito nag-celebrate ng New Year.

Naibalik na ni Atty. Gerald (Renz Fernandez) ang pangalan ni Lorna sa Last Will & Testament ni Don Miguel. Kinutuban si Don Miguel nang makitang may nahulog na tseke mula sa librong binabasa ni Stanley; sinabihan niya si Botchog (Rafa Siguion-Reyna) na manmanan si Stanley at ireport agad sa kaniya kung may kakaiba itong ikinikilos.

Balik sa barberya, tensyonado ang pag-uusap ng mga matatanda, nagkasumbatan hanggang sa magbanta na si Vi na dadalhin nila sa korte at ipaglalaban ang karapatan nila kay Chiechie; parehong palaban sina Annie at Vi. Desidido si Vi na magsampa ng custody battle para kay Chiechie hanggang sa paalisin sila ni Annie.

Disappointed sina Tinay at Chiechie na paglabas nila ng barberya ay nakaalis na sina Archie. Masama ang loob ni Archie kay Vi dahil sa banta nitong custody battle pero firm pa rin si Vi.

Gusto nina Tinay at Chiechie na sharing na lang ang dalawang pamilya kay Chiechie. Nagmatigas naman si Annie na huwag na muling magkita sina Archie at Chiechie.

Read more...