Mark nagsisipag sa trabaho para sa anak

mark herras

NAKAKALOKA at nakakatawang panoorin ang kulitan ng Little Nanay cast na sina Kris Bernal, Juancho Triviño at Mark Herras sa set ng kanilang serye na napapanood gabi-gabi sa GMA TeleBabad.

Base sa mga ina-upload na videos ni Juancho sa kanyang Instagram account, lagi nilang napagdidiskitahang asarin si Mark sa pamamagitan ng pagsayaw ng “Average Joe”.

Ito ang kantang sinasayaw ni Mark noon. Talaga namang ‘Happy lang!’ silang lahat sa set ng Little Nanay na lumalabas din sa kanilang mga eksena sa programa.

In fairness, kung may isang Kapuso star na hindi nawawalan ng trabaho, ‘yan ay si Mark Herras.
Sabi nga ng binatang ama, lahat ng ginagawa niyang pagsisipag ngayon sa trabaho ay para sa kanyang anak. Kailangan na niya kasing paghandaan ang future ng kanyang baby girl.

Read more...