Vice, Robin, Angel mga bagong hurado ng ‘PGT’

vice ganda

Kung may sadness, may happiness din of course. ‘Yan ang nakita namin sa mga mga mata ng Unkabogable Star na si Vice Ganda. Abot hanggang tenga ang ngiti ni Vice habang kausap namin after ng It’s Showtime a few days ago.

Hindi maitago ang saya sa mukha ni Vice dahil number one na ang movie nila ni Coco Martin na “Beauty and the Bestie” sa 2015 Metro Manila Film Festival. Noong Huwebes, Jan. 7, ang last day ng showing na pasok sa counting ng MMFF para sa kinita ng walong pelikula sa takilya.

Sa kinita pa lang ng “Beauty and the Bestie” na mahigit P400 million is more than enough na para maging masaya si Vice. Patunay lang daw ‘to na hindi siya pinabayaan ng kanyang Kapamilya fans at siyempre ng madlang pipol.

Hindi na rin daw niya pinapansin ‘yung mga namba-bash sa kanya at sa movie niya sa social media. Puro positive lang daw kasi ang iniisip niya at gusto niya laging good vibes.

Bago magsimula ang MMFF ay katakut-takot na pamba-bash ang inabot ni Vice sa social media and majority of them are saying na hindi magna-number ang pelikula nila ni Coco. Pero gaya noong isang taon, sinabi rin na hindi sila magna-number one.

And yet, sa pagtatapos ng filmfest, lumabas na number one pa rin ang movie ni Vice na “The Amazing Praybeyt Benjamin 2.” Happy din ang new year ng director ni Vice sa “Beauty and the Bestie” na si Wenn Deramas nu’ng maka-chat namin sa Facebook recently.

Ilang taon na rin na nagna-number one ang mga pelikula ni Direk Wenn sa MMFF, huh! After ng “Beauty and the Bestie” wala pa raw siyang gagawin agad ngayong 2016. Puro TV shows daw muna ang mga proyekto niya sa first quarter ng taon.

Pero hindi pa niya ma-reveal kung anu-ano ‘yung mga programa sa ABS-CBN ang mga gagawin niya.
Natawa naman si Direk Wenn when he learned na ginagamit daw sa Eat Bulaga ang dialogue ni Vice sa movie na “Grabe siya, o!” “Ibig sabihin, nanood din sila,” say ni Direk Wenn.

Going back to Vice, nalaman namin from a source na kasama raw ang Unkabogable Star sa bagong set of judges sa nalalapit na pagbabalik ng Pilipinas Got Talent. Matatandaan na ang dating boss ng ABS-CBN na si Freddie Garcia, ang Queen of All Media na si Kris Aquino at ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang mga hurado ng PGT.

Nasa GMA na si Ai Ai at mukhang hindi na rin interesado si Kris sa show. Pero stay pa rin daw si FMG.
Anytime ay eere na ang PGT kaya ibig sabihin kumpleto na ang mga hurado. Kung tama ang source namin na isa si Vice sa mga judge, e, ‘di tatlo na ang shows niya sa Kapamilya network, huh!

And guess who kung sino pa ang sinabi ng source namin na bagong judge sa PGT? Well, walang iba kundi si Robin Padilla. Keri na ni Robin ang maging judge sa PGT lalo pa’t naging host na siya noon sa Talentadong Pinoy ng TV5.

At heto pa, bukod kay Robin join din daw sa upuan ng panel of judges si Angel Locsin na girlfriend ng isa sa mga hosts ng show na si Luis Manzano. Baka this will be the last show nina Luis at Angel bago sila ikasal.

Read more...