GOOD day po, Manang. Ako si Eden. May problema po ako sa pamilya. Isa po akong working student. Nalulungkot ako dahil laging nag-aaway ang mga magulang ko. May ibang babae po kasi ang tatay ko at meron na rin siyang anak doon. Hindi na nga kami binibigyan ng suporta ay lagi pang mainit ang ulo at pinagagalitan kami. Hind naman makapagdemanda ang nanay ko dahil hindi sila kasal. Ano ang gagawin ko? Salamat….7808
Hello Eden! Salamat sa pagdulog mo sa amin dito sa Bandera.
I think bilang mga anak ay may karapatan kayo sa suporta ng inyong ama kahit na hindi pa sila kasal ng iyong ina. Ito ay naayon sa ating Saligang Batas.
Nakakalungkot at tinatalikuran ng inyong ama ang katungkulan niya sa inyo, pero sa ganang akin, pagsikapan ninyong magkakaptid na tumayo sa inyong mga paa at tulungan ang inyong ina (kung wala siyang hanap-buhay) na maging independent.
Isang challenge ito para sa inyo pero at least hindi kayo umaasa.
Pagsikapan mong makatapos at ipagpatuloy ang pagtratrabaho at pagtitiyaga. Mainam na mangarap at magkaroon ng ambisyon upang mapabuti ang inyong kalagayan.
Good luck, Eden and I hope magtagumpay ka.
Ang payo ng tropa:
Hi Eden!
Ang hirap naman ng kalagayan mo, pero lahat naman ng problema may solusyon. Tungkol sa tatay mo, hayaan mo na lang siya kasi kung talagang ayaw niya magbigay ng suporta sa inyong magkakapatid ay hindi mo siya mapipilit.
Ang magandang gawin mo ay mag-aral kayong mabuting magkakapatid dahil hindi naman habang panahon ay ganyan ang magiging buhay n’yo.
Isa pa, lagi n’yong suportahan ang nanay n’yo. Ipakita niyo sa nanay n’yo na mahal na mahal niyo siya dahil mahirap ang kanyang pinagdadaanan sa ngayon.
Pasasaan ba at magiging maayos din ang lahat, basta magsipag lang at magtutulungan, giginhawa ang inyong buhay!
Oki, God bless you and your family!.
Ate Jenny
Eden,
Alam mo, di nalalayo ang sitwasyon mo sa karaniwang Pilipino. Maraming lumalaki na naghihiwalay ang magulang. Ang importante, dahil bata ka pa at sabi mo naman working student ka, subukan mo pa ring makatapos kahit paano.
Mag-usap kayong magkakapatid kung talagang tuluyang di na kayo susuportahan ng iyong ama.
Magtulong kayo sa pagtaguyod ng inyong pamilya. Give emotional support to each other. Di pinapabayaan ng Diyos ang mga nagsusumikap, lalo na kung para naman ito sa iyong pamilya. Basta kapit ka lang dyan ok?
Djan
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.