Contributions di pwedeng i-adjust

DEAR Aksyon Line,

Magandang araw po sa inyong lahat. Matagal akong pensioner sa SSS. Nabalitaan kong may pension adjustment kaugnay ng proyekto sa SSS sa pagsusuri ng 1985-1989 records. Pumunta ako sa SSS- Toledo City at nag-submit ako ng application para sa pension adjustment. Sabi ng isang Aguilar sa SSS-Toledo City ay hindi raw maa-adjust ang aking pension. Matagal din akong nangarap na maka-printout ako ng SSS actual premiums. Salamat sa Panginoon at sa huli ay nakakuha rin ako ng SSS prelims para makita ko rin ang 1985-1989 record. Nakita ito sa 1989-1990 walang record, pero ang 1985-1989 record ang kailangan ng pension adjustment. Ang taon ng 1987 ay six months ang zero remittance, sabi ni Aguilar sa SSS hindi raw ma-adjust.
Victor Delfin
06…
Nagka, Balamban, Cebu City

REPLY: Para sa iyong katanungan, G. Delfin. Wala talagang makukuhang adjustment base lumalabas sa aming record.

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit sinasabi SSS-Toledo branch na hindi maa-adjust ang iyong contributions.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.

Ms Lilibeth Suralvo
Senior Officer
Media Affairs
Department
Social Security System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...