Heart may 3-in-1 pasabog sa Pebrero; Chiz, Rey Ongpauco super close na

CHIZ ESCUDERO AT HEART EVANGELISTA

CHIZ ESCUDERO AT HEART EVANGELISTA

MASAYANG ibinalita ni Heart Evangelista sa kanyang mga tagasuporta at social media followers na close na close na ngayon ang kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero at amang si Rey Ongpauco.

Makikita sa isang Instagram post ni Heart na game na game na nag-pose ang kanyang husband at daddy kasama siya.

Sa nasabing IG post, all smiles si Heart habang nasa pagitan ng dalawang pinakaimportanteng lalaki sa kanyang buhay, ang asawa at ang kanyang daddy, na pareho pang naka-kiss sa kanyang cheeks.

After nga ng masayang bakasyon sa Japan nina Heart at Sen. Chiz ay nag-celebrate naman sila ng New Year kasama ang kanilang loved ones dito sa Pilipinas.

Nag-post din ng aktres ng isang photo na kuha sa bahay ng kanyang sister na si Cam Ongpauco kung saan makikita si Chiz kasama ang ama ni Heart at boyfriend ng kanyang kapatid, with the caption “At my sister’s home for #happynewyear2016 with the men of our lives.”

Matapos naman ang New Year celebration with the Ongpaucos, naki-celebrate rin ang mag-asawa sa pamilya ng senador, kasama ang mommy nito na si Cong. Evie Escudero at mga kapatid at pamangkin.

After the holiday season ay back to painting naman si Heart at very busy sa pagkumpleto sa kanyang artworks para sa nalalapit niyang exhibit entitled “Oceans Apart” na gaganapin sa Ayala Museum this coming Jan. 30 at tatagal hanggang Feb. 9.

Very thankful rin si Heart sa dami ng blessings na natanggap niya sa taong 2015, at kahit hindi naka-attend sa kanyang wedding last year ang kanyang parents, ay nagkabati naman ang mga ito at ang kanyang husband three months after.

Last year, after they were able to patch things up, ay kinumpirma rin ng mag-asawa na they will renew their vows this February para nga naman this time ay maka-attend na ang parents ni Heart sa ceremony at maihatid ang anak sa altar.

Mukhang magiging busy nga talaga si Heart next month dahil sa triple celebration para sa kanyang 31st birthday, first wedding anniversary at second solo exhibit.

As for Sen. Chiz na palagi pa ring nangunguna sa mga survey for the vice-presidential post, mukhang mas magiging busy pa ito sa mga darating na buwan dahil nalalapit na ang eleksyon.

Read more...