Kris super proud kay Bimby, marunong nang magprito ng itlog

kris aquino

Proud mama lang ang drama ni Kris Aquino dahil natuto nang magluto ng itlog ang kanyang anak na si Bimby. Nagluto si Kris ng pancakes, bacon & eggs bilang meryenda nila nina Bimby at Joshua.

Kaya lang, mukhang nagutom nang husto si Bimby at gusto pa nito ng pritong itlog. “It’s merienda time for us, a relaxed Sunday- I cooked pancakes, bacon & eggs for us, pero gutom pa si Bimb.

W/ just a bit of supervision- he cooked more sunny side up eggs for himself,” caption ni Kris sa series of photo niyang nagpapakita ng little cooking skills ni Bimby habang nagpiprito ng itlog.

Read more...