Kris starstruck pa rin kina Ate Guy at Manoy

kris bernal

PARA sa mga adik na adik na sa GMA Telebabad series na Little Nanay, narito ang kailangan n’yong tutukan ngayong gabi sa pagpapatuloy ng kuwento. Nagsimula na ang post-Christmas party ng barangay! At welcome na welcome pa rin ang mga San Pedro sa community.

Pero sa isang game, magta-tuntrums si Tinay (Kris Bernal). Pakakalmahin naman siya ni Chiechie (Chlaui Malayao) at siya na lang ang magpapa-out para makapaglaro pa rin si Tinay.

Hindi naman makabuwelo si Archie (Hiro Peralta) kay Annie (Nora Aunor) para sabihin ang tungkol sa pagbabalikan nila ni Beatrice (Winwyn Marquez) dahil sa ginawa ni Tinay. Kahit siya ay naawa para kay Chiechie dahil kailangan nitong intindihin ang kundisyon ng ina.

Maiiyak na si Chiechie pero mapapatahan naman ito ni Archie. Kita din ito nina Vi (Gladys Reyes) at maaawa sila kay Chiechie. Pero idedefend naman ng mga kapitbahay si Tinay kaya tatahimik na lang si Vi.

Pero nang muling matanggal sa game si Tinay, mas lalo itong magwawala. Mag-aalala na ang lahat. Ilalayo na nina Annie at Berto (Bembol Roco) sa venue si Tinay pero hindi nila ito mapatahan.

Hanggang si Archie ang makapagpatahan dito. Aakyat pa ng stage si Tinay para mag-sorry sa mga kalaro nito kanina. Kakanta pa ito para sa lahat at sasamahan naman siya ni Chiechie. Naging masaya ang araw na iyon.

Dahil hindi maipaubaya ni Annie si Chiechie kina Vi para sa bagong taon, niyaya na lang niya ang mga ito na sa kanila mag-celebrate. Tuwang-tuwa naman sina Chiechie at Tinay. Natutuwa naman sina Berto at Annie dahil naging kabalikatan na din nila si Archie kina Tinay at Chiechie.

Hindi pa rin maalis ni Beatrice ang insecurities sa sarili dahil kahit magkasama na sila ni Archie ay si Chiechie pa rin ang bukambibig nito. Magde-date sana sina Beatrice at Archie pero ipinatawag ni Annie si Archie na ikakagalit naman ni Beatrice.

Beatrice reminds Archie na dapat ay sabihin na nito kina Annie ang tungkol sa kanila pero hindi pa maka-tiyempo si Archie. Nabuyo ni Trixie si Beatrice na ito na ang magsabi kina Annie tungkol sa pagbabalikan nila ni Archie.

Makikipagayos na si Annie kay Archie at muli na siyang tatanggapin sa kanilang pamamahay at sa buhay nina Tinay at Chiechie. Sobrang tuwa at pasalamat naman ni Archie. Pero dumating na din si Beatrice sa bahay ng mga Batongbuhay at sina Tinay at Chiechie ang una niyang nakaharap.

Magkakasagutan sina Tinay at Beatrice! Matutuloy pa kaya ang pakikipagayos ni Archie sa mga Batongbuhay? Samantala, hanggang ngayon pala ay starstruck pa rin si Kris sa mga co-stars niya sa Little Nanay na sina Ate Guy at Eddie Garcia. Natutulala pa rin daw siya kung minsan kapag kaeksena niya ang mga ito.

Read more...