HUMIRIT ang Commission on Elections (Comelec) sa Korte Suprema ng karagdagang panahon para sumagot sa mga petisyon na inihain ni Sen. Grace Poe na humihiling na baligtarin ang naunang desisyon ng poll body na kanselahin ang kanyang certificate of candidacy (COC).
Ito’y matapos namang tumanggi ang Office of the Solicitor General (OSG) na irepresenta ang Comelec dahil kinakatawan na nito ang Senate Electoral Tribunal (SET).
Sa pitong-pahinang manifestation with very urgent motion for extension, sinabi ng Comelec na natanggap na nito ang kopya ng ipinalabas na temporary restraining order (TRO) ng SC noong Disyembre 29 kung saan inatasan itong magsumite ng komento sa loob ng 10 araw.
Noong Enero 4, 2016, nagsumite ng manipestasyon ang OSG sa SC na kung saan sinabi nito na hindi na nito maaaring irepresenta ang Comelec.
Idinagdag ng Comelec na natanggap lamang nito ang kopya ng petisyon ni Poe noong Enero 4, samantalang ang huling araw para magsumite ng komento ay sa Enero 7 na.
“Thus, the Comelec seeks the indulgence of the Supreme Court for an additional period of five days from Jan. 7 or until Jan. 12 within which to submit its comment,” sabi ng Comelec.
MOST READ
LATEST STORIES