John Lloyd inimbitahan sa pagdinig ng Kamara

john lloyd cruz
Inimbita ng House committee on Metro Manila Development si John Lloyd Cruz sa isasagawa nitong pagdinig kaugnay ng kontrobersyang nakapaloob sa katatapos na Metro Manila Film Festival.
Ayon sa chairman ng komite na si Quezon City Rep. Winston Castelo isasagawa ang pagdinig alas-1 ng hapon sa Enero 11 sa Mitra Building ng Kamara de Representantes.
Kasama sa iiimbestigahan ang umano’y ticket swapping kung saan ang ibinebentang ticket para sa “My Bebe Love” ay napupunta sa “Beauty and Bestie”.
Naghain ng resolusyon si Laguna Rep. Dan Fernandez upang imbestigahan ang pagdiskuwalipika sa Honor Thy Father sa kategoryang Best Picture.
Si Cruz ay co-executive producer at bida sa Honor Thy Father.
Gayundin ang pagtanggal umano sa sinehan ng mga MMFF entry na hindi pinapasok ng mga manonood.
Bukod kay Cruz, inimbitahan din ang mga miyembro ng MMFF Executive Committee na kinabibilangan ni Atty. Emerson Carlos, ang overall chairman, at mga miyembrong sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Sen. Grace Poe.

Read more...