Suwerteng negosyo ngayong 2016 (2)
Sulat mula kay Narding ng Bulak, Gapan, Nueva Ecija Problema: 1. Ako po ay may kaun-ting puhunang naitatabi kasi dati akong nagsi-seaman. Sa ngayon po ay balak namin ng misis ko na magnegosyo, ang kaso nga lang ay hindi naman alam kung ano ba ang mapa-lad na negosyo sa aming mag-asawa.
2. Isinilang po ako nuong August 5, 1975 at ang misis ko naman ay isinilang nuong December 14, 1977. Ano po ba ang negosyong dapat na-ming simulan sa taong ito ng 2016 na sa amin ay magpapayaman? Umaasa, Narding ng Nueva Ecija Solusyon/Analysis: Astrology: Ayon sa zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) habang si misis naman ay isang Sagitta-rius ay nagsasabing compatible kayo, dahil kapwa kayo pinangingibabawan ng elementong fire o init. Sa sandaling nag-combine force kayo sa negosyong may kaugnayan sa apoy at init, puwede rin ang restaurant, karenderia o kaya’y grocery, tiyak ang ma-gaganap sa nasabing kalakal mas mabilis kayang uunlad at yayaman lalo na sa taong ito ng 2016. Numerology: Ang birth date nyo namang 5 at 14 ay nagsasabing susuwerte kato basta’t lagi kayong magkamasa sa itatayo ninyong negosyo, siguradong anomang negosyo ang maisip nyo, mabilis na lalago ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na kayong yumaman. Luscher Color Test: Sa pagnenegosyo siguraduhin ding gumamit ng kulay na pula, sa bawat transaksyon na inyong gagawin o sa ibang salita, pula ang gamiting opsiyal na kulay sa inyong negosyo at makikita nyo mas mabalis kayong uunlad at aasenso. Huling payo at paalala: Narding ayon sa inyong kapalaran siguradong uunlad ang sisimulan nyong negosyo sa taong ito ng 2016, basta ang inyong pa-ngunahing produkto may kaunayan sa apoy at init o kaya’y grocery, dahil ang nasabing negosyo ang siyang papatok ngayong taong ito ng 2016. Sa ganyang diskarte, kung magsisimla na kayong magnegosyo sa unang pagbibilog ng buwan sa Marso 2016, lilipas ang mga limang taon pa, sa 2021, sa edad mong 46 at 44 naman si misis mayayamang-mayaman na kayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
