Yaya Dub natanggap ang pinakamagandang Christmas gift sa pagbabakasyon sa Japan

yaya dub

Hindi maikakaila na walang gustong maniwala sa parangal na tinanggap ni Maine Mendoza mula sa MMFF bilang best supporting actress.

Hindi na ‘yun nakapagtataka, mismong si Yaya Dub nga ay hindi rin makapaniwala na siya ang nanalo, “Bakit ako?” ang tanong ng tinanghal na best supporting actress ng taunang festival.

Pero may magagawa pa ba naman ang mga bashers ni Maine, may magagawa pa ba ang mga kumokontra sa kanyang award, nandiyan na ‘yan at hindi niya naman hiningi-ipinakiusap ang award na ibinigay sa kanya ng MMFF.

Sabihin man ng iba na wala namang alam si Maine kundi ang magpangiwi-ngiwi ng mukha sa kalyeserye ay wala na silang magagawa. Panahon niya ngayon, kakampi niya ang kapalaran, talagang walang kahit sinong makakakuwestiyon sa tagumpay ng isang tao.

Nasa Japan ngayon si Maine Mendoza kasama ang kanyang pamilya para sa isang masarap na bakasyon. Mula nu’ng Hulyo nang ipanganak ang tambalan nila ni Alden Richards ay wala nang kapahi-pahinga ang dalaga, araw-gabi halos siyang nagtatrabaho, kaya siguradong sinamantala niya ang panahon sa pagkakaroon ng napakasarap na tulog at pahinga sa Japan.

Ngayon lang uli sila nakapag-bonding ng kanyang pamilya, mismong mommy na ni Yaya Dub ang nagsasabing paminsan-minsan na lang nitong nakikita ang kanyang anak, kaya hindi nila palalampasin ang pagkakataong ito para magkaroon ng makabuluhang bonding.

‘Yun ang pinakamagandang regalong tinanggap ni Maine Mendoza ngayong Kapaskuhan.

Read more...