May relief-goods ba ang SWS?

SA kasagsagan ng pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng Ondoy at tinamaan ng leptospirosis, at sa kasagsagan din ng paghahanap kung saan may namamahagi ng relief goods, ang “ipinamahagi” ng Social Weather Stations (SWS) ay si Noynoy Aquino, na nangunguna na sa kanilang survey (at tiyak na ang pagkapanalo bilang pangulo sa 2010?).
Habang nagpahinga muna ang mga politiko, tulad nina Sen. Manuel Villar at Interior Secretary Ronaldo Puno, sa kanilang bayad na infomercials para makiisa at makiramay sa mga biktima ni Ondoy, ang isinaksak sa lalamunan ng masa ng SWS ay wala nang tatalo sa kasikatan ni Noynoy (na wala namang programa para sa mga biktima ng bagyo at baha).
May puso ba ang SWS habang nakalublob ang marami sa baha at naghihintay na tamaan ng leptospirosis?

BANDERA Editorial, 101909

Read more...