‘Dapat tanggalin ang MMDA sa MMFF, ipahawak na sa mga taga-Showbiz!!!’ | Bandera

‘Dapat tanggalin ang MMDA sa MMFF, ipahawak na sa mga taga-Showbiz!!!’

Jobert Sucaldito |December 31,2015
facebook
share this

‘Dapat tanggalin ang MMDA sa MMFF, ipahawak na sa mga taga-Showbiz!!!’

Jobert Sucaldito - December 31, 2015 - 02:00 AM

mmda
LUMABAS na naman ang kaistupiduhan ng MMFF this year. A few points lang if I may say – let’s talk about the disqualification of the movie “Honor Thy Father” sa Best Picture category nila sa kanilang awards night last Dec. 27.

Ang dahilan nila ay nagsinungaling daw ang producer nito for not disclosing that the said film was exhibited sa opening ng Cinema One Originals (a-nother filmfest of its kind). Kung tutuusin pareho silang may mali, ang producer at MMFF. Kaniya-kaniya silang version kasi ng kuwento.

Sabi ng producer, nang tanggapin daw nila ang alok ng MMFF para mapasama ang kanilang movie as an official entry after “Hermano Pule” backed out para makumpleto ang eight entries, naka-commit na raw sila sa Cinema One Originals na ipalabas ang “Honor Thy Father” sa opening rites nito.

Yes, hindi nga ito inilabas for commercial purposes pero same thing, ito’y maliwanag na paglabag pa rin sa rules ng MMFF dahil ang Cinema One Originals ay isang filmfest din. Kahit sabihin pang hindi ito inilaban, the fact that they showed it as part of the event, hindi pa rin sila dapat ma-qualify sa MMFF.

That’s very clear dapat from the very start. Yung sinasabi ng producer and director nito that since any entry is entitled naman daw to two special premieres, they just considered their showing sa Cinema One Originals as a special screening.

Isang maliwanag na palusot na lang kumbaga. But you just don’t blame the producer alone sa isyung ito. Malaki rin ang pananagutan ng MMFF sa pagpasok ng “Honor Thy Father” sa MMFF 2015. When it was invited to be part of the 8 official entries sometime in October 2015, wala pa namang Cinema One Originals that time.

Kasi nga Nov. 8 pa naganap ang COO screening. Pero nang malaman nilang ipinalabas nga ito roon that day, dapat na-disqualify na agad ang movie in its entirety. Hindi nila dapat pinayagang mailabas muna ito sa mga sinehan and made pronouncements na hindi ito makakasali sa Best Picture ca-tegory a day before the awards night.

Iyan ang malaking kalokohan – its either hindi nila ito pinayagang mailabas ang movie sa mga sinehan at all or if not, since pinayagan nilang papasukin ito sa filmfest, wala silang karapatan to bar the movie from that ca-tegory sa awards night. Either or lang iyan.

Isang mala-king kabobohan ito sa MMFF committee to decide na i-disqualify ito sa Best Picture category. Modesty aside, isa ito sa pinakamagandang entries this year kaya natakot siguro ang MMFF na kumita ito after winning saka-sakali.

Kasi nga, obvious na pinapaboran nila ang “My Bebe Love” and other entries. Kita n’yo nga, kung hindi pa mga istupido ang MMFF jury na ito, pinanalo nilang Best Supporting Actress ang walang kuwentang performance ni Maine Mendoza alyas Yaya Dub sa entry nila.

Cheap, di ba? Kahit si Maine mismo ay nagulat kung bakit siya nanalo. That’s one of the cheapest decisions they made. But you don’t blame Maine here dahil reci-pient lang siya, malay naman niyang papanalunin siya ng pulpol na MMFF jury, ‘no!

Anong klaseng MMFF meron tayo? Palagi na lang may kapalpakan every year, hindi na tama ito! Dapat sa susunod na taon ay hindi na ito ipinahahawak sa MMDA at kung sinu-sinong mga mayor sa bansa.

Asikasuhin na lang ng MMDA ang traffic situation natin at ayusin ng mga mayors ang mga constituents nila. Huwag na nilang pakialaman ang MMFF, ibigay na ito sa mga taga-industriya para tumino naman.

Imagine, saan ka nakakita ng film festival na napakapa-ngit ng ilang entries? Dito lang siyempre sa Pinas. Minsan lang may makapasok na matinong pelikula idi-disqua-lify pa sa pagka-Best Picture.

Mga ugok, di ba? Dapat ibahin nila ang sistema. Ang pinaka-main criteria dapat dito ay matino ang pelikula. Hindi yung puro pera-pera lang. Nandoon na tayo, they are there to get revenues pero huwag naman yung naisa-sakripisyo ang quality ng mga entries.

Marami namang mga commercial movies na may katinuan, di ba?  Hindi porke commercial ang dating kahit basura ay pasok na sa banga. Ginagawa ninyong mga bobo ang Pinoy audience.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakaloka ang MMFF na ito – palagi na lang silang ganyan. Ano bang klaseng utak meron ang mga nagpapatakbo riyan? Hmp!!!!!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending