Bagong Taon ni Coco magiging mas maaksiyon

coco martin

MAAKSIYONG bagong taon ang parating kay Cardo (Coco Martin) sa pagtugis niya sa mas lumalaking sindikato ni Demetrio (Ronaldo Valdez) sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Pagkatapos mahuli ni Isabel (Maricar Reyes), ngayon naman ang grupo nina Raymond (Joem Bascon), Brad (Polo Ravales), at Jenna (Hanna Ledesma) ang magpapatuloy ng modus ng kanilang grupo.

Sasamantalahin nila ang pagkakataon na pagnakawan ang isang bahay habang wala ang may-ari nito. Mapagtagumpayan kaya nila ang kanilang modus o mahuhuli sila ni Cardo bago pa nila maisagawa ang kanilang mga plano?

Huwag palampasin ang mga ma-aksyong tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

Samantala, sa pagsasara ng 2015, record-breaking naman ang Primetime Bida serye nina Coco, Susan Roces, Bela Padilla at Maja Salvador. Sa record ng Kantar/TNS, ang FPJ’s Ang Probinsyano, ang pilot episode ng programa ang nakakuha ng pinakamataas na rating sa lahat ng teleseryeng umere sa taong ito.

Ang unang episode ng Ang Probinsiyano noong Sept. 28 ay nakakuha ng 41.6%. Nasa ikalawang pwesto naman ang Pangako Sa ‘Yo nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nakakuha ng 34% ang kanilang pilot episode (May 25) habang nasa ikatlong pwesto naman ang pilot episode ng Nathaniel (April 20) nina Marco Masa at Gerald Anderson with 29.4%

Read more...