AYAW tigilan ng netizens ang movie ni Maine Mendoza. Actually, maging ang dalaga mismo ay naba-bash nang husto all because she won best supporting actress sa MMFF Award’s Night. Bakit daw tinalo pa niya ang veteran actress na si Nova Villa?
“The biggest insult to All the Caliber Philippine Actresses when this Maine won the BSA. Hindi pala sapat yung kasabihang ‘tangkilin ang sariling atin’ at ‘mabuhay ang pelikulang Pilipino’ dahil sa mababang pamantayan.
“If i were ABS-CBN Star Cinema hndi na ako gagawa o sasali ng MMFF kse realtalk lng, Star Cinema lng nman ang nagbibigay ng malaking kita sa MMFF… #RIPMMFF #RIPMMFF2015,” said one irate fan.
“Ano pamantayan nila? At mas ipinasok nila yan kysa HTF?” say naman ng isa pa. Na sinagot naman nang pataray ng isang faney ng ganito, “Madami daw kcng commercial in tlga hanap nila a for best pic hehe.”