Liza ayaw na sa bonggang debut, pero naki-party sa mga inabandonang bata

LIZA SOBERANO

LIZA SOBERANO KASAMA ANG MGA KAPUS-PALAD

SA halip na magkaroon ng bonggang-bonggang debut party, mas pinili ni Liza Soberano na ipagdiwang ang kanyang 18th birthday kasama ang mga kapuspalad nating mga kababayan.

Actually, sa Jan. 4 pa ang eksaktong birthday ni Liza pero ngayon pa lang ay iniikot na niya ang ilang charity institutions na kanyang tinutulungan kahit noon nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Ayon sa dalaga, hindi raw talaga siya mahilig sa mga party. Mas feel niya na mag-celebrate lang nang tahimik kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Ilan sa mga dinalaw at pinaligaya ni Liza ay ang mga kababayan natin sa charitable institutions na Anawim Home for the Elderly, I Can Serve Foundation at Chosen Children Village Foundation. Bukod sa mga litratong nakita namin sa Instagram account ng Kapamilya teen princess ay nag-share rin ang manager niyang si Ogie Diaz ng ilang pictures sa kanyang IG ng ilang litrato at video na kuha sa pa-party ni Liza.

Sa isang larawang ipinost ni Liza, naging emosyonal ito sa kanyang mensahe. Anang dalaga, “I had the most wonderful experience these past few days and I wouldn’t ever have it any other way. Im not really used to partying for my birthday so i thought of giving back to others. Its kind of my little way of saying thank you to God for all the blessings i received this year.

“Thank you to the Chosen Children foundation for giving me the opportunity to be a part of your family. Most of the kids have special needs here and its just amazing how they are so capable of many things despite their disabilities.”

Sa isa namang picture kung saan kasama niya ang ilang senior citizens, nilagyan niya ito ng caption na: “Meet the cutie lolas of Anawim!! They made my heart melt!”

Isang serye naman ng litrato ang ipinost ni Ogie Diaz sa kanyang IG account na may mensahe mula sa executive director ng Chosen Children Village: “Thanks so much, Liza, for choosing the Chosen Children Village Foundation! Malaking bagay sa mga abandoned kids ang pagpunta mo rito kahit out of Metro Manila.”

Na sinagot naman ng ka-loveteam ni Enrique Gil ng, “Gusto ko po talaga puntahan yung ndi masyadong naaabutan ng tulong. Ni-research ko po talaga itong Chosen Children, kaya super excited ako to be with the kids.”

Samantala, matapos ang blockbuster movie nila ni Enrique na “Everyday I Love You”, naghahanda na rin ang magka-loveteam para sa susunod nilang teleserye sa ABS-CBN. Hindi pa nagbigay ng ibang detalye sina Quen at Liza pero anila, mas mature ang atake ng bago nilang proyekto sa TV.

Read more...