Brgy. chair tinumba

batangas
Patay ang isang barangay chairman ng Sta. Teresita, Batangas, nang barilin habang dumadalo sa pagdiriwang ng Foundation Day ng bayan noong Linggo ng gabi, ayon sa pulisya.

Ikinasawi ni Ruel Rodriguez, residente at chairman ng Brgy. Calayaan, ang tama ng bala sa ulo, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.

Naganap ang pamamaril sa gymnasium ng Brgy. Poblacion dakong alas-9:45.

Dumadalo si Rodriguez sa pagdiriwang ng Foundation Day ng Sta. Teresita nang lapitan at barilin sa ulo ng isang lalaki, ayon sa ulat.

Nang makita ang nangyari’y pinaputukan din ng pulis na nagbabantay sa gym ang gunman, na nanakbo naman patungo sa kalapit na tubuhan.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan at motibo ng salarin, na may taas na 5’2″ hanggang 5’4″ at huling nakitang nakasuot ng striped na t-shirt at itim na cap.

Read more...