Police official pinatay sa checkpoint

albay
Nasawi ang deputy chief ng pulisya sa Libon, Albay, nang pagbabarilin habang nagtse-checkpoint kaninang umaga.

Isinugod pa si Senior Insp. Joerem Kallos sa ospital sa Ligao City, ngunit di na umabot nang buhay, sabi ni Senior Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.

Naganap ang pamamaril sa Sitio Pinagbadilan, Brgy. Buga, Libon, dakong alas-5:45.

Nagtse-checkpoint sa naturang lugar si Kallos nang paulanan ng bala ng isang grupo ng kalalakihan, ani Calubaquib.

Isinagawa ang checkpoint bilang suporta sa manhunt operation ng Albay provincial police at 5th Regional Public Safety Battalion laban sa isang Gilbert Concepcion, aniya.

Si Concepcion ay isang dating sundalo na napabilang sa mga most wanted person ng Bicol dahil sa pagkasangkot sa mga insidente ng murder at robbery, ayon kay Calubaquib.

Read more...