Roller coaster sa Subic huminto ng pabaligtad; mga pasahero nailigtas

12463532_10153618011044902_744584688_n
NAILIGTAS ang mga pasahero matapos namang magkaaberya ang isang roller coaster sa Subic, Olongapo City kung saan naiwang nakabaligtad ang pasahero sa loob ng isang oras, ayon sa ulat ng Subic Bay News Online.
Ayon sa ulat, tinatayang 20 mga batang babae at lalaki ang nakulong sa roller coaster sa Subic Fiesta Carnival.
Makikita sa video na ipinost sa Facebook page ng Subic Bay News Online habang inililigtas ang mga pasahero.
Umabot na sa mahigit 325,000 ang views ng nasabing video.

Read more...