Pope Francis kinondena ang mga ‘senseless killings’ sa Mindanao

pope francis
KINONDENA ni Pope Francis ang pag sunod-sunod na pagpatay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Central Mindanao, kung saan libo-libong pamilya rin ang lumikas bago pa man ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

“The Holy Father was deeply saddened to learn the senseless killing of innocent people in Mindanao, and he sends condolences to the families of those who lost their lives,” sabi ni Vatican Secretary Cardinal Pietro Parolin sa isang pahayag noong Lunes.

Ito’y matapos naman ang mga pag-atake ng BIFF, na isang breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sinasabing konektado sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Kabilang sa mga inatake ng BIFF ay ang probinsiya ng Sultan Kudarat, Maguindanao at North Cotabato kung saan umabot na sa 11 ang napatay.

“His Holiness prays that security and safety will be established for all people in the region, so that dialogue, tolerance and peace may enable each person to live free from fear,” dagdag ni Parolin.

“He asks all believers to reject violence in the name of God who is love, and invokes abundant divine gifts of consolation, mercy and strength upon those affected by this tragedy,” ayon pa kay Parolin.

Read more...