Bukod sa kinukuwestyong diskuwalipikasyon ng Honor Thy Father, iimbestigahan din ng House committee on Metro Manila Development ang napabalitang ticket switching sa mga sinehan.
Sinabi ng chairman ng komite na si Quezon City Rep. Winston Castelo na hindi katanggap-tanggap ang pagkakaroon ng dayaan sa bilihan ng ticket upang mapataas ang ticket sales ng ibang pelikula.
Ayon sa mga lumabas na ulat, may ilang manonood ang bumili ng tiket para mapanood ang “My Bebe Love” pero binigyan umano ng ticket ng karibal na”Beauty and the Bestie”.
Sinabi ni Castelo na agad niyang ipatatawag ang pagdinig sa pagbubukas ng sesyon sa Enero upang maimbestigahan ang reklamo sa Metro Manila Film Festival.
“This is a lingering issue that has not been appropriately addressed and clarified,” ani Castelo.
Ipatatawag umano niya ang mga opisyal ng mga pelikulang sangkot gaya nina
Kung kailangan, sinabi ni Castelo na lilikha sila ng batas upang mabantayan ang mga polisiya ng MMFF para mas lalong mapalakas ang industriya ng pelikulang Pilipino.
Ticket switching sa MMFF iimbestigahan din
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...