Natagpuang patay ang 12-anyos na binatilyo matapos umanong magbigti sa kanilang bahay sa San Jose, Batangas, kahapon ng hapon, ayon sa pulisya.
Nadiskubre na lang ng isang kapitbahay ang binatilyo — isang Grade 5 pupil — na nakabitin sa kisame ng bahay ng pamilya nito alas-2:40, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.
Agad nagtungo ang mga imbestigador ng lokal na pulisya sa bahay matapos malaman ang insidente alas-3:45, at nakita ang binatilyo pati ang 4-metrong lubid na ginamit sa pagbibigti.
Lumabas sa imbestigasyon na bago ang insidente’y hiniling ng binatilyo sa ina nito na isama siya sa isang lakad, pero tumanggi ang ginang at iniwan ang anak sa bahay.
Dinala na ang mga labi ng binatilyo sa punerarya habang nagsasagawa ng karagdagang imbestigasyon ang pulisya.