AlDub nation nagreklamo sa nabiling tiket sa sinehan; binalaan ang mga manonood

pabebe love

BINALAAN ng mga taong involved sa production ng MMFF 2015 entry na “My Bebe Love” ang mga manonood hinggil sa naganap na “ticket swapping” sa ilang SM cinemas sa opening day ng taunang filmfest.

Nagreklamo ang mga moviegoers, partikular na ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza nang mapansin na ibang titulo ng pelikula ang naka-print sa kanilang ticket.

Sa halip kasi na “My Bebe Love” ang nakasulat sa ticket na ibinigay sa kanila ay ang pelikulang “Beauty and the Bestie” nina Coco Martin, Vice Ganda, James Reid at Nadine Lustre, ang naka-print sa ticket.

Mismong ang director ng pelikula ng AlDub na si Joey Reyes ang nagkumpirma ng insidente kasabay ng pagbibigay nito ng babala sa mga manonood. Ani direk Joey sa kanyang Twitter account, “Got word from producer:IT IS TRUE.

Make sure that the title of the movie on YOUR ticket is what you want to watch.Beware of ticket swapping. “BEWARE OF TICKET-SWAPPING. Look at the title of the movie on your tickets. REPORT anomalies or take IG pictures and POST in social media.

“Please be calm but cautious. More important, true happiness can only be obtained by sincere and honest actions. ALDUB NATION, be above this,” sey pa ng direktor.

Ayon naman sa isang loyal supporter nina Maine at Yaya Dub, “#AlDubNation please be aware! Initially thought it was just a random mistake when we saw similar posts earlier but apparently it’s not! We don’t want to think bad of other people but it seems the ticket sales are bring rigged in favor of someone else’s film!”

Tweet naman ng isa pang nanood sa first day ng “My Bebe Love”, “Hope you can help do something about this to help the stars of #MyBebeLove also @msaiaidelasalas @mainedcm @aldenrichards02. Thank you.”

Hirit pa ng isa, “My bebe love ang pinanood nmin pero beauty and the bestie ang ticket na binigay.. bat ganun????” Nang makarating sa Eat Bulaga host na si Joey de Leon ang insidente, nagbigay din ito ng babala sa kanyang Twitter account, “Babala: Pangit yang ST(Swapping Tickets).

Wag naman. #ALDUBMyBebeLoveSaPASKO.” Ilang oras ang nakalipas, nag-post naman ang pamunuan ng SM Cinema ng mensahe sa pamamagitan ng kanilang official Twitter account, kinumpirma nitong nagkaroon nga ng ticket swapping “due to high volume of tickets purchased”.

Dahil dito humingi ng paumanhin ang SM Cinema sa nangyaring pagkakamali. Nangako naman ang SM management na mabibilang ng tama ang mga nabiling ticket para sa “My Bebe Love” na siyang nangunguna ngayon sa ta-kilya among all the official MMFF entries.

Hinikayat din ng pamunuan ng sinehan na ibigay ang ticket details sa mga takilyera o sinumang authorized staff ng SM ng mga nagrereklamong manonood.

Bukas naman ang pahinang ito sa official statement ng SM Cinema hinggil sa kontrobersya.

 

Read more...