Sorry na lang kina Maja at Bela, Coco mas gustong tikman ang labi ni Julia
PINATUNAYAN lang ng Teleserye King na si Coco Martin na talagang si Julia Montes ang bet niyang maging dyowa. Sa episode kasi ng Gandang Gabi Vice noong Linggo, diretsong binanggit ni Coco ang pangalan ng lead star ng afternoon series ng ABS-CBN na Doble Kara sa isang tanong na ibinato sa kanya ng kanyang bestie na si Vice Ganda.
Tinanong kasi ng TV host-comedian si Coco na kung papipiliin siya sa kanyang leading ladies na sina Maja Salvador, Julia at Bela Padilla para magbigay ng mouth-to-mouth resuscitation sa kanya, sino yun? Ang walang kagatul-gatol na sagot ng award-winning actor ay si Julia.
Matagal nang nababalita na may relasyon na ang dalawang Kapamilya stars pero ayaw lang nilang umamin para iwas intriga. Mismong ang mga fans na nina Coco at Julia ang nagsasabi na laging super sweet ang dalawa kapag magkasama, sa katunayan “bukayo” nga ang tawag nila sa magka-loveteam.
Kahit kami ay naniniwala na magdyowa na ang dalawa lalo nang aminin ni Julia na mas pinili niyang bumili ng bahay sa sosyal na subdivision kung saan nandu’n din si Coco.
At nirerespeto namin ang desisyon nilang ilihim muna ito sa publiko para nga naman hindi masyadong mapag-usapan at manatiling tahimik ang kanilang personal na buhay.
Samantala, todo papuri naman si Coco sa kanyang bestie na si Vice, kahit na raw kasi sikat at super yaman na nito ay hindi pa rin nagbabago ang pag-uugali. “Honestly, ang nakakatuwa kay Vice yung mga taong nasa paligid niya hanggang ngayon, yun pa rin yung mga taong kasakasama niya noong nagsisimula siya.
Kaya nga sabi ko kahit anong narating niya sa buhay niya, yun pa rin si Vice hindi nagbago,” pahayag ng Teleserye King. Ipinagmalaki pa ng Kapamilya actor na laking-Tondo si Vice at siya naman ay laking-Novaliches, “At proud kami du’n.
Yung mga pinagdaanan namin sa buhay ang nagpatatag at nagpatapang sa amin kung bakit kami nandito ngayon.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

