Liezl may bilin kay Albert bago mamatay

albert martinez

Ibinilin pala ni Liezl Martinez si Sen. Grace Poe sa asawang si Albert bago siya yumao noong Marso dahil sa sakit na cancer. Ito ay ayon mismo kay Albert na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Grace bilang pangulo ng bansa, sa kabila ng kaliwa’t kanang disqualification case na isinampa laban sa kanya.

“Siyempre she’s a good friend. I know her very well,” sabi ng multi-awarded nang matanong tungkol sa kaniyang pagsuporta sa kandidatura ni Grace sa pagkapangulo ng bansa.

“Of course, I will support naman at saka ibinilin sa akin ni Liezl si Sen. Poe,” dagdag pa ni Albert. Si Liezl ay pumanaw noong Marso matapos ang ilang taong pakikibaka sa sakit na cancer.

Isa lang si Albert sa mga artistang nagpahayag ng suporta sa anak ni Da King Fernando Poe, Jr. at Ms. Susan Roces. Nauna nang nagpahayag ng suporta sina Eddie Garcia, Superstar Nora Aunor, Carmina Villaroel, Zoren Legaspi at Joey Marquez sa hangarin ni Grace na maging pangulo ng bansa.

Proud na proud si Grace sa kaniyang showbiz connection dahil ito raw ang bumuhay at nagpaaral sa kaniya. “I’m very proud of the movie industry and the television industry.

Iyon naman ang kinalakihan ko. Iyan naman ang nagpa-aral sa akin, iyong mga tumataguyod ng pelikula kaya I’m proud of that,” sabi pa ni Grace sa isang interview.

Read more...