SUPER excited na sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero na magdiwang ng kanilang first Christmas as husband and wife. Larawan ng isang happy family sina Heart at Chiz kasama ang kambal ng senador na sina Chesi at Quino litratong in-upload ni Heart sa kanyang Instagram account last Sunday.
Mas lalo pang gumanda at sumeksi ngayon si Heart, patunay lang na maligayang-maligaya siya ngayon sa piling ng kanyang mister habang ine-enjoy din ang pagiging mommy sa twins ni Chiz.
Hindi rin naman maikakailang genuine ang smile ng kambal base na rin sa picture na kumalat sa social media at makikitang very close ang mga ito sa kanilang “Tita Heart”.
Sey ni Chiz, isa lang daw ang wish niya this Christmas – three more kids para sa kanila ni Heart. Siyempre, gusto raw ni Sen. Chiz ng two girls and one boy.
Kamakailan lamang ay inamin ng aktres na ready na nga syang i-welcome ang motherhood. “I do feel it now (ready to have a baby). I never used to feel that, na when you look at a baby’s fingers parang there’s something in your heart that moves you.
It excites me because I have never felt this way before,” sabi pa ni Heart sa isang panayam. Well, ready na nga kaya ang couple na magka-baby considering na magiging busy sila for the campaign season?
Hopefully, matupad nga yang wish nina Heart at Sen. Chiz next year.