Marital rape dapat isama sa annulment

house of representatives
Nais ng isang solon na isama ang marital rape sa mga dahilan upang mapawalang-bisa ang kasal.
Ayon kay Pasig City Rep. Roman Romulo ang annulment ng kasal ay dapat na maging daan upang matakasan ng isang babae ang pang-aabuso ng kanyang mister kaya dapat na amyendahan ang Family Code.
“This is more in line with the spirit of the State’s mandate of according full protection to women, while at the same time ensuring that violence has no place in any family thereby maintaining the sanctity of the Filipino family,” ani Romulo.
Sinabi ni Romulo na konti lamang ang mga inaabusong babae na naghahain ng reklamo laban sa kanilang mister sa takot ng magiging epekto nito sa kanilang mga anak.
“If filing of criminal cases against their partners is not an option, they must at least be given a way out that will enable them to start over with their lives and more importantly be assured of their safety,” dagdag pa ng solon.
Dagdag na pangamba umano kung makukulong ang mister na kalimitan na siyang naghahanapbuhay para sa kanilang pamilya.
Sa ilalim ng panukala ay mapupunta rin ang conjugal property ng mag-asawa sa babae at kanilang mga anak.

Read more...