Numero ng nanalo ng P212.5M galing sa banal na espiritu

lotto for site
Isang banal na espiritu ang nagbigay ng mga numero sa 58-anyos na lalaki kaya tinamaan niya ang P212.5 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 noong Disyembre 13.
Kinuha na ng nanalo ang kanyang premyo sa Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang nanalo ay may asawa at apat na anak. Siya ay negosyante at taga Marinduque.
Nagkakahalaga ng P120 ang itinaya ng nanalo.
Nanaginip umano siya at dito ibinigay ng banal na espiritu ng mga numerong 5-8-10-13-15-33 na nagpanalo sa kanya ng jackpot prize.
Plano niyang magbigay ng donasyon sa simbahan at dagdagan ang kapital ng kanyang negosyo.

Read more...