Makapag-aabroad bang muli? (2)

Sulat mula kay Guia ng Sto Nino, Lapasan,  Cagayan de Oro City
Problema:
1. Dalawang beses na akong nakapag-abroad, una sa Korea at sumunod sa Hong Kong. Pero dahil matagal nang hindi ako nakabalik sa abroad, halos na ubos na ang naipong kong pera. Sa ngayon ay naghihirap na naman ang aming pamilya dahil malapit nang mag-college ang mga anak ko.
2. Balak ko sanang mag-apply uli sa abroad sa ikatlong pagkakataon. May apply po ko sa ngayon sa Taiwan. Sa tingin n’yo ba ay makakaalis kaya ako at kung makakaalis akong muli, kailan naman kaya ito matutupad? August 28, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Guia ng Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ay nagsasabing hindi lang lakas ng loob ang dapat pairalin u-pang matupad ang ikatlong pag-aabroad, kundi kailangan din ng tulong ng ibang tao, partikular isang lalaki na under sa zodiac sign na Taurus. Tunay ngang kung walang ganitong uri ng lalaking tutulong sa iyo upang makapag-abroad, malabo kang matuloy. At kung matuloy ka man, maraming mga problemang darating kapag naroon ka na.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing kung sakaling nagpumilit ka pa ring nag-abroad tulad ng nasabi na, maraming problema kang kakaharapin. Masosolusyunan naman ito sa bandang huli basta hindi ka lang magi-give up.

Luscher Color Test:
Upang laging manahan sa iyo ang suwerte at magandang kapalaran lagi kang magsuot ng kulay na berde at dilaw. Sa nasabing kulay muling gaganda ang kasalukuyang pangit na kapalaran.

Huling payo at paalala:
Guia, ayon sa iyong kapalaran, kung naging madali ang suwerte at magandang kapalaran noong una at ikalawang pag-aabroad sa ikatlong pagtatangka, medyo mahihirapan ka na. Pero kung sadyang magpupumilit ka at handang harapin ang mabibigat na hamon ng buhay, tulad ng nasabi na, sa bandang huli magtatagumpay at mananaig ka pa rin. Mapapaunlad mo uli ang iyong career at ang kabuhayan ng iyong pamilya. Ang ikatlong paga-abroad ay inaasahang maganap sa Mayo o Hunyo 2016 sa edad mong 37 pataas.

Read more...