TAMA naman si Megastar Sharon Cuneta, for as long as masaya at walang natatapakang ibang tao, pwedeng-pwedeng magkabalikan sina Piolo Pascual at KC Concepcion.
Wala rin daw namang isyu sa kanya kung sakaling magkaroon ng part two o second chance ang love affair ng anak at ni Piolo na nakasamaan niya ng loob noon. May open communication na rin daw sila ni Piolo at ni KC simula nang magkabati-bati sila.
Hiling lang ni Mega bilang isang ina, maghinay-hinay muna ang ex couple at huwag pangunahan ang mga bagay-bagay. Mas mabuti raw kung ie-enjoy muna nila ang company ng isa’t isa as friends.
Samantala, muling napanood na humataw sa pagkanta si Sharon during the grand finals of Your Face Sounds Familiar Season 2 noong Linggo. Kasama niya ang mga kapwa huradong sina Gary Valenciano at Jed Madela.
Although marami ang nagsasabing nandoon pa rin ang magandang boses at istilo ni Mega sa pagkanta, marami rin ang nakapunang medyo hinihingal na raw ito kapag matagal nang nakasalang on stage.