OFW-cum-fixer sa Dubai

IBA talaga ang Pinoy, basta pagkakakitaan, lagging maabilidad. ‘Yun nga lang minsan ang abilidad na ito ay sa paggawa ng mali nauuwi.

Nang maging requirement na ang “affidavit of support” na kakailanganing kunin ng mga OFW mula sa konsulado ng Dubai o embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi, upang isumite naman ng mga naimbitahang kamag-anak sa pagkuha ng kanilang visa, marami ang nakakita ng pagkakataong pwede itong negosyohin.

Gaya na lang nang napabalita na may mga kababayan tayong bi-nabayaran ng mga mapagsamantalang recruiter sa UAE upang humingi ng naturang affidavit at ibebenta iyon sa kapwa Pinoy upang ma-gamit sa kanilang pag-aaplayy papasok ng UAE, kahit hindi naman nila ito kaanu-ano, hindi ka-kilala at lalong hindi naman nila kamag-anak.

Mga ilegal silang na-recruit upang makapasok ng UAE gamit ang imbitasyon at affidavit nang OFW, na ayon sa kanila, walan silang kamalay-malay kung saan gagamitin ang naturang mga dokumento.

Pero ang totoo, alam nila iyon. Tatanggap ka ba naman ng pera na hindi mo alam kung saan galing?

Kamakailan lamang isang OFW na bagong salta sa Dubai ang gusto sanang papuntahin ang kanyang asawa sa Dubai para madalaw siya. May kapatid ang OFW sa Dubai na matagal na ring doon nagtatrabaho. May kinakasama rin siya.

Nang mabalitaan ng ka live-in partner ng kanyang kapatid ang tungkol sa kanyang plano, dali-dali itong nagprisinta na siya na lamang ang aayos ng mga dokumento na kakaila-nganin ng bayaw na hilaw.

Dahil bago pa lang sa Dubai, napaniwala agad ang utol ng kanyang live-in partner. Nagbigay agad siya ng pera.

Malaking halaga ang hirit nito agad dahil kasama na ‘anya ang plane ticket, imbitasyon at affidavit of support, siya na bahala.

Malapit na ang petsa ng flight pero wala pa rin ang mga dokumento. Yun pala hindi siya makakuha ng affidavit of support dahil kinakaila-ngan ang “personal appearance” ng OFW bago siya maisyuhan ng naturang affidavit.

Sablay ang fixer! Galit na galit ang ka-live in nito dahil pati kapatid at hipag niya ay tinalo pa! Siyempre nga naman, sa ngalan ng salapi wala nang kama-kamag-anak. Karagdagang kita nga naman iyon!

Kaya nang malaman ito ng OFW, sugod na ito sa konsulado at siya na ang personal na kumuha ng affidavit at nagpadala ng visa sa asawa.

Kaya sa ating mga kababayan, huwag na kayong magpapaniwala sa mga nag-aalok sa inyo diyan ng kahit anong serbisyo dahil maaari namang kayo na ang personal na kumuha noon.

Read more...