Annual confirmation of pensioners

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line! Ask ko po sana kung authorized po ba ang mga banks na sa kanila na lang mag-appearance ang mga senior citizens instead sa SSS office? Medyo malayo po kasi ang SSS office sa amin at nahihirapan na rin ang aking mother. Sana ay mabigyang kasagutan aking katanungan

Gina Pleno
Blk 18 lot 37, CityHomes Subdivision Molino, Bacoor Cavite

REPLY: Para sa iyong katanungan Ms Pleno: Maaari naman ang appearance sa bangko kung saan nag-open ng account ang iyong mother subalit kinakailangang ang appearance o ang annual confirmation of pensioners o ACOP ay gawin bago ang kanyang birth month o birth date.

Subalit kung hindi ito magagawa, magtungo na lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS.

Kapag nabigo itong isagawa ay tiyak na mapuputol ang tinatanggap na pension ng iyong mother.
May pagkakataon din na ang isang pensioner ay hindi na makabangon o bed ridden na, maaari namang mag-request para bisitahin sila ng SSS officers.

Ang ACOP ay isang pamamaraan para ma-verify ang SSS kung buhay pa ang pensioner o hindi pa ikinakasal sa iba.

Obligadong sumailalim dito ang lahat ng pensioners-retirees, disability pensioners, survivorship pensioners, gayundin ang asawa ng namatay na miyembro.

Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer, Media
Affairs Department
Social Security System

Read more...