Makapag-aabroad bang muli? | Bandera

Makapag-aabroad bang muli?

Joseph Greenfield - December 17, 2015 - 02:30 PM

Sulat mula kay Guia ng Sto Nino, Lapasan, Cagayan de Oro City

Dear Sir Greenfield,

Dalawang beses na akong nakapag-abroad una ay sa Korea at ang sumunod naman po ay sa Hong Kong. Pero dahil matagal na na hindi ako nakabalik sa abroad, halos na ubos na ang naipong kong pera at sa ngayon naghihirap na naman ang aming pamilya at malapit ng mag-
college ang mga anak ko. Kaya balak ko sanang mag-aplay uli sa abroad sa ikatlong pagkakataon. May aplay po ko sa ngayon sa Taiwan, sa tingin nyo ba makaka-alis kaya ako at kung makaka-alis akong muli kailan naman kaya ito matutupad? August 28, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Guia ng Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maayos at maganda ang una at ikalawang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1. at 2-2 arrow 2.) sa iyong palad, subalit ang ikatlo (3-3 arrow 3.), ay sadyang magulo at medyo pangit na ito, na ngangahulugang mahihirapan ka na ngang makapag-abroad pa sa ikatlong pagkakataon. Ganon paman, kung paiiralin ang pagpupumilit at todong determinasyon, may pag-asang pa rin paulit-ulit na kabiguan, pero sa bandang huli maaawa sa iyo ang tadhana, makapag-aabroad kang muli.
Cartomancy:
Queen of Spades, Ten of Hearts at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sadyang mahihirapan kang makapag-abroad sa ikatlong pagkakataon, maraming problema at hadlang pero sa pagpupumilit matutuloy ka, kaya lang sa ibang bansa maraming mga titiisin ang naghihinaty sa iyo, pero pagkatapos ng mga pagsubok sa bandang huli muling gaganda at bubuti na ang iyong career.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending