PBA player na dyowa ni Denise Laurel nag-iipon pa para sa bonggang kasal

denise laurel

KAHIT may iniindang sakit ang King of Talk na si Boy Abunda nagpakita pa rin siya sa taping ng Tonight With Boy Abunda last Monday. Pinanindigan ni Kuya Boy ang kasabihan sa showbiz na “the show must go on.”

Uso raw kasi talaga ngayon ang sakit especially ‘yung connected with throat. Even his best friend Kris Aquino ay meron ding sakit. Sabi pa ni Kuya Boy, five days no talk daw ang advice ng doctor kay Kris.

Sakto naman ang dating namin sa studio ng TWBA dahil guest ang grand winner sa Your Face Sounds Familiar Season 2 na si Denise Laurel kasama ang kanyang fiancé at PBA player na si Sol Mercado.

More than two years nang engaged sina Denise at Sol pero hindi pa rin nila nahaharap ang pagpapakasal. Pero napakatamis naman ng binitiwan na salita ng PBA player na kahit hindi pa sila kasal ni Denise, “In my heart, she’s already my wife.”

Honest namang sinabi ni Sol na up to now he’s still saving para maibigay ang dream wedding na gusto ni Denise. Kahit knows naman sa buong showbiz na mula sa isang buena familia si Denise, hinahayaan ng Your Face Sounds Familiar grand winner na mag-ipon si Sol for their wedding.

Pero kahit kailangan nila ang pera for the wedding, nais pa ring i-share ni Denise ang ilang bahagi ng P1 million na prize niya Bukod pa riyan ang another P1 million prize na ido-donate lahat sa chosen charity niya.

Ganoon ka-ge-nerous at kabuti ang kalooban ni Denise. Say nga ni Kuya Boy kay Denise, isa ‘yan sa mga ugali ng pamilya Laurel, specifically sa uncle niya na si Cocoy Laurel, ang na-discover niya which is ‘yung pagiging sincere nila on what they say and do.

Ngayong tapos na ang YFSF luluwag na ang schedule ni Denise. We remember the last time na nainterbyu namin siya para sa afternoon drama series niya sa ABS-CBN na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, wala talaga siyang oras even to look for a date if ever yayain na siya ni Sol na magpakasal na sila.

So now, pwede na sigurong makapamili si Denise ng araw para sa kanyang wedding. Tutal naman ipinaubaya na sa kanya lahat ni Sol ang kaganapan sa wedding nila.

Read more...