Jennylyn, Dennis huli na sa akto pero todo denay pa rin

dennis trillo

Magka-holding hands na nakunan ng photo sina Jennylyn Mercado and Dennis Trillo while on vacation sa Amsterdam recently. But in her recent interview for “#Walang Forever” na entry sa Metro Manila Film Festival 2015 ay todo tanggi pa rin si Jennylyn na nagkabalikan sila ni Dennis.

Well, it appears na hindi pa siya handang aminin ang obvious – na they’re back on each other’s loving arms. Ewan ba namin dito kay Jennylyn kung bakit ayaw pang umamin sa real score nila ni Dennis gayong single naman siya at single din si Dennis.

We feel na may nakapalibot sa dalawa ang nagsabing ‘wag nilang aminin ang kanilang relasyon. Ewan kung ano ang dahilan, pero whatever it is ay wala naman sigurong naniniwalang they’re not back with each other.

Tsaka ang tatanda na nila para magpa-cute at magdenay nang magdenay sa tunay nilang relasyon, ‘no! Baka feeling nila pwede pa silang makipagsabayan kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo o kina James Reid at Nadine Lustre!? Excuse me lang, ha!

Read more...