Producers ng ‘Bebe Love’ may pakiusap kay Maine sa Pasko

yaya dub

Mukhang mauunsiyami ang pinlano nang pagbabakasyon ng pamilya ni Maine Mendoza ngayong Kapaskuhan. Sa Japan sana sila sama-samang magpapalipas ng Pasko at Bagong Taon, pero kailangang nandito siya, may pelikula sila nina Bossing Vic Sotto, Ai Ai delas Alas, Alden Richards at iba pa na kasali sa MMFF.

Habang sinusulat namin ang kolum na ito ay nalaman namin na nakiusap sa yaya ng bayan ang produksiyon para sumama siya sa parada ng mga artista, kailangang kumpleto silang masaksihan ng manonood, ewan lang kung nagkaroon ng pagbabago sa mga plano.

Maganda nga namang kasama nila si Maine, hindi naman siya basta kasahog lang sa “My Bebe Love”, maganda ang partisipasyon nila ni Alden sa hinihintay nang pelikula sa MMFF ng ating mga kababayan.

Ilang taon nang nagdiriwang ng Pasko sa ibang bansa ang pamilya ni Yaya Dub, premyo nila ‘yun sa kanilang mga sarili sa buong taong pagnenegosyo ng kanilang mga magulang, kung pagbibigyan ni Maine ang pakiusap ng produksyon ay dito na lang muna sila magsasama-sama ngayong Pasko.

Markado ang pelikula para kay Maine, ito ang kanyang unang pelikula, bibihira ang personalidad na nakakailang buwan pa lang sa pag-aartista ay nagkakaroon na agad ng ganito kagandang oportunidad.

Ngayon pa lang ay kinikilig na ang ating mga kababayan na makita ang AlDub sa parada ng mga artista sa MMFF. Siguradong marami na naman silang paliligayahing mga Pinoy.

At siguradong panalung-panalo sa MMFF ang “My Bebe Love.”

Read more...