Claudine muling isinugod sa ospital: I’m in pain!

claudine barretto

Muling isinugod sa ospital si Claudine Barretto kahapon. Sa kanyang Instagram account, ipinost ng aktres ang isang litrato na kuha habang tsine-check up siya ng kanyang doktor at nilagyan niya ito ng caption na: “In Pain.”

Balitang na-confine uli si Claudine sa St. Luke’s Medical Center matapos makaramdam ng matinding pananakit sa kanyang katawan.

Hindi binanggit ng estranged wife ni Raymart Santiago kung ano ang kanyang sakit pero makikita sa kanyang IG post na tila kukunan siya ng dugo (o may ituturok sa kanya) ng isang medical staff sa ospital.

Ilang followers naman ni Claudine ang nag-alala dahil sa palaging pagpapa-ospital nito.

Read more...