KathNiel, JaDine, LizQuen bidang-bida sa ABS-CBN Christmas Special

james reid

Nagsama-sama ang mga bigating Kapamilya stars pati executives sa pagsabi ng ‘thank you for the love’ at pagpapasaya sa milyun-milyong tagasuporta sa “Kapamilya, Thank You For The Love: The ABS-CBN Christmas Special,” na ipapalabas ngayong Sabado at Linggo (Dec. 19 at 20).

Pinangunahan ng love teams nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Enrique Gil at Liza Soberano, at James Reid at Nadine Lustre, ang pagpapadama ng pag-ibig sa taunang ABS-CBN Christmas Special na ibinida ang kahalagahan ng pagpapasalamat at pagmamahalan na isinasalamin ng tema ng Christmas station ID ng Kapamilya network.

“Ang Pasko at Bagong Taon ay mas maganda pang pakinggan pag dudugtungan natin ng maraming salamat. Dahil sa pagmamahal ng Diyos sa atin, may pagmamahalan tayo sa isa’t isa, kaya nararamdaman natin ang tunay na diwa ng Pasko,” ani ABS-CBN chairman Eugenio “Gabby” Lopez III sa Christmas special.

Ipinaliwanag din ni ABS-CBN president at CEO Charo Santos-Concio kung bakit pag-ibig ang diwa ng Pasko. Ayon kay Ma’m Charo, “Ang Pasko o ang kapanganakan ni Hesukristo ang pinakadakilang paraan ng Diyos upang ipadama sa atin na lahat tayo ay mahal niya ng walang hanggan.

Kaya’t sana, walang tigil din tayong magmahalan at magpasalamat sa bawat isa.”

Read more...