Relasyon nina Janine at Elmo mawawasak

elmo magalona

“ELNELLA!” Iyan daw ang tawag ng napakagandang si Janine Gutierrez sa tandem ng boyfriend niyang si Elmo Magalona at sa Kapamilya teen star na si Janella Salvador.

Sinabi ni Janine na masayang-masaya siya sa paglipat ni Elmo sa ABS-CBN pero inamin nitong na-gulat siya noong malaman niya ito. Dedma rin siya sa intriga na posibleng ang paglipat ng boyfriend niya sa Kapamilya network ang si-mula ng pagkawasak ng relasyon nila ni Elmo.

“Hindi naman po siguro. Career-move lang talaga ang ginawa niya,” depensa pa ng GMA 7 artist na kuntento naman daw sa pag-aalaga sa kanya ng Kapuso network.

Bongga nga raw ang 2015 sa kanya dahil ngayong taon natupad ang ilan sa mga pangarap niya. Ilang beses siyang nagbida sa mga serye, nakagawa rin siya ng dalawang indie movies kung saan kasama pa niya ang kanyang lola na si Nora Aunor, at naging cover girl ng maraming magazines.

Bukod dito, nakabili na rin siya ng sariling condo at bago matapos ang taon, bibida pa siya sa pelikulang “Buy Now Die Later” kasama ang inang si Lotlot de Leon na official entry nga sa 2015 MMFF.

Happy din si Janine na maganda ang rating ng kanyang morning soap na Dangwa sa GMA at sa pagsapit ng 2016, may inihahanda nang bagong soap opera para sa kanya with a new leading man.

Dream din daw ni Janine ang magkaroon ng fantaserye na may action scenes.

Read more...